NILUNOK na lang lahat ni Dominic Roque, ang mga ibinabato sa kanyang mga pasabog ng kabilang kampo. Gaya ng bigay ng bakla iyong gas station, may sugar daddy siyang bakla, nakatira sa mamahaling condominium etc.
“Hindi nila alam na pinagpagurang lahat iyon ni Dominic, iyong kondo inuupahan niya iyon at malaki naman ang kita ng kanyang work na parang gumagawa ng mga digital advertising na halos sa kanila lahat nagpapagawa iyong mga sikat na company.
“Si Dominic Roque ay endorser ng Cleanfuel gas station, na pag-aari naman nina Atty. Suntay, Ralph at Marco Atienza at ni Saymour Go. Part laman ng bayad ang gas station na iyon, at hindi dapat tanggihan ni Dominic Roque dahil part ng work niya iyon bilang endorser.
“Dahil ba bakla iyong isa sa may ari ng Cleanfuel, basta-basta na lang ibibigay ang isa sa negosyo nila ano kayo hilo? Ang father ni Dominic, ay isang business owner and his Mother is a company president. Idad 17 pa lang si Dominic, ay nag-umpisa na siya ng kanyang career at kalahati ng buhay niya ay trabaho na ang inatupag niya.
“Totoong mayaman si Bea Alonzo, pero may pera din si Dominic hindi nga lang sing dami ng kay Bea. Kaya mabuting hindi natuloy ang kasal nila, dahil hindi kaya ni Dominic ang Super garbong kasal na gusto ni Bea na mangyari,” masayang chika ng aking source.
More Stories
MGA MAYOR SA RIZAL SUPORTADO SI CHAVIT SINGSON
6 tulak, nadakma sa higit P.2M shabu sa Navotas
Higanteng Christmas tree sa Araneta City pinailawan