NAIBENTA na ang sports car ni Daniel Padilla at Kathryn Bernado. Binili ng car dealer na si Aldover ang ang luxury car ni Daniel Padilla at Kathryn Bernado nang makita niya ito sa ‘Garage 888 PH.’ Dinala naman ni Aldover ang luxury car ng KathNiel loveteam kay Boss Toyo para ibenta pero hindi naman ito nagkasundo sa presyo. Pero may nakabili na sa luxury car ng KathNiel loveteam, ang buyer ay isang taga-Pampanga.
“Ang chika kaya raw nagbebenta na ng mga ari-arian niya ang actor ay dahil baon daw ito sa utang, kaya inisa-isa na ni Deej idispatsa ang kanyang mga naipundar para pambayad utang.
“Pati nga raw ang bahay nila sa Kyusi ay ibinebenta na ni Karla Estrada sa halagang P50-M, pambayad din daw ito sa utang. At para maka-move on na si Daniel Padilla, sa mga mapapait na nangyari sa kanyang buhay. “Tahimik naman ang kampo ni Deej, at ayaw nilang sagutin ang mga haka-haka ng netizens sa pagbebenta nila ng kanilang mga ari-arian para malinawan ang lahat,” sabi pa ng aking source.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY