November 5, 2024

JOEL CRUZ, NAGHAIN NG KASO VS 3 FASHION LIFESTYLE PERSONALITIES SA NBI

KAHAPON nagsampa ng estafa case ang Lord of Scents na si Joel Cruz sa NBI, noong una nanahimik na lang siya sa ginawa sa kanya ng tatlong fashion/lifestyle personalities. Dahil sa matindi ang isyu, mas minabuting gawan niya ito ng tamang desisyon kaysa sa manahimik na lamang siya.

 Ang pagkakaalam ko ay nangyari ang insidente kay Joel at sa tatlong high-profile fashion/lifestyle personalities sa event ng Fashion Week sa America.

“Ang kanyang sinampahan ng kasong estafa ay sina, Angel de Jesus na isang Hollywood producer, Becky Garcia [society columnist of Manila Times, ballroom dancing proponents], at si Albert Andrada [fashion designer of the famous Pia Wurtzbach Miss Universe gown].

 “Humantong nasa pagdedesisyon na kasuhan na niya ang tatlong high-profile fashion lifestyle personalities, para hindi na rin maranasan ng iba ang sinapit niya sa tatlong iyon at ilalabas niya sa publiko ang buong detalye kaugnay sa kasong ito,” saad pa ng aking source.