
PANANAGUTIN ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang mga grupo at indibidwal sa likod ng di ‘umano’y panloloko gamit ang pangalan ng naturang ahensiya.
Babala ng OWWA, hindi konektado sa kanilang ahensya ang dalawang pekeng social media accounts na sangkot umano sa loan lending scams at nag-aalok ng mga serbisyong hindi awtorisado ng naturang tanggapan.
Partikular na tinukoy ng OWWA ang Facebook accounts – ang “Owwa Rish Mendoza” at “Katelyn Ching.”
“May mga account na gumagamit ng opisyal na larawan ng OWWA para humikayat ng mga OFW at kanilang pamilya para mangutang,” saad isang bahagi ng pahayag ng OWWA.
Hinimok ng OWWA ang publiko na isumbong ang mga pekeng account sa kanilang email na legal@owwa.gov.ph, mobile number/Viber 639175805720, at landline 632 (8)551-6638.
More Stories
Impeachment Hindi Dapat Ginagawang Opsyonal
Bigas Bagsak Presyo! P20 Kada Kilo Lumalawak na — PSA
UP Law Profs sa Senado: Impeachment ni VP Sara Ituloy