SI Glydel Mercado ang pang unang bwenamanong handog ng ‘Magpakailanman’ para sa episode nilang ‘Sana Muling Makapiling’ ito bali ang New Year episode ng nasabing programa para sa televiewers ng Kapuso Network.
“Nang ibigay sa akin ng management ng GMA 7 ang nasabing project na iyan ang ‘Sana Muling Makapiling,’ laking challenge ito para sa akin, isa itong heavy drama na dapat mabigyan ko ng justice.
“Noong binabasa ko na ang script, grabe pati ako dalang-dala sa ibig palabasin ng istorya. Pero sabi ko sa sarili ko kaya ko ito, kahit hindi ko naranasan sa totoong buhay ang mga pagsubok na ito ang ibenta ko ang sarili kong anak maisalba ko lang ang buhay ng aking asawa.
“Nabigyan ko naman ng justice at kanila na itong mapapanood this coming Sunday January 6, 2024 sa ganap na ikawalo ng hating gabi sa GMA 7, ang ‘#MPK.’ ay naka-live stream din ito nang sabay sa official YouTube channel at website official ng GMA Network.
“Iyong tiwala na patuloy na ibinibigay sa akin ng Management ng Kapuso Network, heto na iyon ibinabalik ko sa kanila ng may pasasalamat mula sa aking puso. At never ko silang bibiguin, kaya sana panoorin nila dahil para sa kanilang lahat ito,” masayang kwento ni Glydel Mercado sa inyong lingkod.
More Stories
3 JAPANESE NA MAY ARREST WARRANT, IPINA-DEPORT NG BI
DOST-PCCI innovation hub magpapalakas sa enterprises’ growth
178 PUSLIT NA GAGAMBA NASABAT NG BOC-PORT OF CLARK