
Balik Pilipinas na si Filipino boxer Marlon Tapales matapos ang kabiguan niyang magwagi laban kay Naoya Inoue ng Japan.
Sinabi nito nasisiyahan siya kasi nakabalik na ito sa bansa subalit hindi niya maiwasang malungkot dahil sa kabiguan na manalo.
Pagtitiyak ng 31-anyos na Lanao Del Norte native na magpapahinga lamang ito sandali bago babalik sa pagsabak.
Aminado nito na mas mabilis ang Japanese boxer kaya ito ay napatumba ng dalawang beses sa loob ng 12 rounds.
HIndi naman binanggit ni Tapales kung sino ang maaring susunod na target niya na makalaban. RON TOLENTINO
More Stories
PRANGKISA NG MERALCO PINALAWIG PA NG 25 TAON, IKINALUGOD NI MVP
DISQUALIFICATION CASE VS PASIG POLL BET IAN SIA, UNTI-UNTI NANG UMUUSAD
Operator ng pasugalan at 11 mananaya arestado sa huli week “Oplan Bolilyo” ng CIDG Batangas