MASAKIT ang ginawang desisyon ng pamunuan ng Metro Manila Film Festival 2023, nang tanggihan nilang makapasok ang movie entry ng ating National Artist na si Ms. Nora Aunor. Ang ‘Pieta’ ni Nora, ang tiyak na magpapabagsak sa acting career ng kanyang kalaban, kaya siguro hindi ito pinayagang makapasok bilang entry sa MMFF ’23.
“Dahil na rin po sa hiling ng mga fans ni Ms. Nora Aunor, na gusto nilang mapanood ang ‘Pieta’ ng ating National Artist na si Guy. Minabuti ng grupo ni Direk Adolf Alix Jr., na magkaroon ng advance screening bago dumating ang Kapaskuhan.
“Ang ‘Pieta’ ay Rated R-13 ng MTRCB, bali ito ang regalong pamasko nina Nora Aunor, Alfred Vargas at Director Adolfo Alix Jr. Sa mga tagahang ng ating Superstar na si Nora Aunor. “Narito po ang advance screening schedule ng pelikulang ‘Pieta,’ December 22, 2023 – 3PM at 6PM – Sine Pop Cubao [ Today ] / December 23, 2023 – 10AM – Cinema ’76 Film Society in Tomas Morato / December 24, 2023 – 10AM – Cinema ’76 Film Society in Tomas Morato. Ang free seating ticket price ay P250.00, para sa gusto pang makahabol maaaring tumawag sa 0977-2819698 or magpadala ng inyong mensahe sa#Pieta page,” salaysay pa ng aking source.
More Stories
3 JAPANESE NA MAY ARREST WARRANT, IPINA-DEPORT NG BI
DOST-PCCI innovation hub magpapalakas sa enterprises’ growth
178 PUSLIT NA GAGAMBA NASABAT NG BOC-PORT OF CLARK