Hinimok ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos ang local government units (LGUs) nitong Lunes na magpasa ng ordinansa na magbabawal sa paggamit ng paputok sa bahay at iba pang lugar.
“Ako ay nananawagan na sana ay magkaroon ng lokal na ordinansa [banning fireworks display in communities]. Anyway kaya namang i-celebrate ang Bagong Taon nang maayos [kahit walang paputok],” ayon kay Abalos.
Isinagawa ang kanyang panawagan kasabay nang ginanap na Lab 4 All: Christmas for All gift-giving activity sa Jose Fabella Center sa Mandaluyong City.
Hinimok din ni Abalos ang local government units na mag-sponsor ng community viewings ng fireworks display.
Matatandaan na nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order 28 na nagbabawal sa mga paputok sa mga tirahan sa buong bansa.
Tanging papayagan lamang ang community fireworks na pinangangasiwaan ng licensed individuals.
Nagpaalala rin ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa publiko na bawal ang paggamit ng fireworks sa mga tirahan sa Metro Manila.
Sinabi ni MMDA Acting Chairman Don Artes na ang Metro Manila Council ay nagpasa ng resolusyon na nagbabawal sa paggamit ng firecrackers sa mga tirahan at mga kalsada.
“Meron lamang designated areas kung saan pwedeng magpaputok, community ‘yan at sponsored yan ng LGUs,” ani Artes.
“Again nire-remind mga kababayan lalo na sa Metro Manila bawal magpaputok kahit sa tapat ng inyong mga bahay,” dagdag pa niya.
More Stories
P10.4M Confidential fund nawawala… VP SARA SWAK SA ASUNTO – REP. LUISTRO
PILIPINAS NAGHAHANDA NA PARA MAG-HOST SA FIVB 2025 MEN’S WORLD
BILANG NG KASO NG DENGUE SA NCR LUMOBO