November 19, 2024

Higanteng Christmas tree pinailawan sa Navotas

PINANGUNAHAN ni Mayor John Rey Tiangco at ng kanyang pamilya ang taunang pagpapailaw sa higanteng Christmas tree na matatagpuan sa Navotas Citywalk and Amphitheater nitong Martes. (JUVY LUCERO)

DAMANG-DAMA na ng mga Navoteños ang himig ng Pasko kasunod ng pagpapailaw ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa heganting Christmas tree at pagbubukas sa Christmas bazaar.

Pinangunahan ni Mayor John Rey Tiangco at ng kanyang pamilya ang taunang pagpapailaw sa naturang higanteng Christmas tree na matatagpuan sa Navotas Citywalk and Amphitheater at fireworks display na sinaksihan naman ng mga residente ng lungsod.

Kasabay nito, pinangunahan din ni Mayor Tiangco, kasama ang iba pang opisyal ng pamahalaang lungsod ang pagbubukas sa Christmas bazaar na nagtatampok ng 34 Navoteno small, andmidsize enterprises.

Hinikayat naman ni Tiangco ang kanyang kapwa Navoteños na suportahan at i-patronize ang mga lokal na negosyo upang makatulong na mapalakas ang ekonomiya ng lungsod.

“Ngayong Christmas season, subukang bumili mula sa mga brands and small shops sa loob ng komunidad. Tulungan natin ang ating mga kapwa Navoteño na bigyan ng patas na pagkakataon ang micro at small entrepreneurs na magpatuloy at umunlad,” ani Mayor JRT.

Dagdag niya, ang Christmas bazaar ay bukas araw-araw simula 5pm hanggang 12mn.