Natapos na ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) pero tulad ng dati, may mga mga kandidato na pareho ang bilang nang nakuhang boto, kaya idinaan na lang sa draw lots at toss coin kung sino sa kanila ang idedeklarang panalo.
Ayon sa ulat, idinaan sa draw lots ang pagpili kung sino kina Omar Pasawilan at Sukarno Uto, ang magiging barangay chairman ng Rosary Heights 3, dahil nagtabla sila sa boto na 997.
Dalawang piraso ng papel na may nakasulat na No.1 at No. 2 ang inilagay sa palabunutan. Kung sino ang makakakuha ng No. 1, siya ang idedeklarang panalo.
Sa huli, si Pasaliwan ang nakakuha ng papel na may No.1.
Isa pang ulat na sinasabing nakapagtala ang Comelec-Abra ng anim na barangay na mayroong mga kandidato na nagtabla.
Kabilang dito ang Barangay Nagtupacan sa Lagangilang, na kina¬usap ang dalawang kandidatong chairman na nagtabla kaugnay sa magiging proseso ng palabunutan para malaman kung sino sa kanila ang ipoproklamang panalo.
Sa umpisa,isang kandidato umano ang nakiusap na term sharing na lang ang gawin pero hindi ito pinayagan ng Comelec ng lalawigan dahil hindi ito pinayagan sa Comelec resolution.
Sa huli, si Lou Claro ang nakakuha ng papel na may nakasulat na barangay chairman kaya siya ang nanalo.Binati naman siya ng kaniyang nakalaban.
Anim na bayan pa sa Abra ang may mga barangay na nagtabla ang dumaan sa katulad na proseso ng palabunutan.
Sa La Union, mayroon ding mga barangay na nagtabla ang ilang kandidato.
Sa Zambales, isang barangay ang idinaan naman sa toss coin ang pagpili ng idedeklarang SK chairman dahil nagtabla ang dalawang kandidato.
Ayon kay Elmo Duque, assistant regional director ng Comelec-3, hindi pinapayagan ang term sharing ng mga kandidatong tabla ang boto.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA