November 19, 2024

After 13 years of working… JILLIAN WARD, SINECURE NA RIN PATI ANG KANYANG FUTURE

KUNG dati ay maluho sa pag gastos ang batang actress na tinaguriang ‘Star of the New Generation,’ ngayon ay mas inisip niya ang kanyang future.

“Dahil mabilis ang dating sa aken ng mga commercials, mas inuuna ko pong bumili ng mamahaling kotse. Hilig ko ho kasi ang kotse, pero naisip ko, 13 years na akong nagwowork since baby pa ako. Kaya mas pinili kong maging future-oriented ako.

“Hindi na ako magastos ngayon, malaking tulong sa akin iyong marami akong nakakasalamuha. Naging mature po ako kaya nsisip ko iyung long term future ko, ibinenta ko na iyong iba ko pong mga kotseng mamahalin at sahalip ay bumili ako ng lote na aking magagamit sa future bussines ko,” chika pa ni Jillian Ward.

Busy ngayon ang actress na si Jillian Ward sa kanyang bagong episode ng ‘Daig Kayo ng Lola Ko’ na Captain Kitten, ang kanyang role na handog ng GMA 7.