November 19, 2024

RICE FARMERS TATANGGAP NG P5-K AYUDA

Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pag-release ng P5,000 subsidy sa small-scale rice farmers – mula sa pondo na may kabuuang P12.7 bilyon – upang tulungan sila sa gitna ng kinakaharap na El Niño at iba pang hamon sa agrikultura.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), aabot sa 2.3 milyon benepisyaryo ng Rice Farmerns Financial Assistance (RFFA) program.

 “This would help them cope with the increasing cost of production and sustain their productivity even in the face of challenges like the coming El Niño phenomenon,” saad ni Marcos,  na siya ring Agriculture secretary.

Ayon sa PCO, isinama rin nila ang mga miyembro ng farm cooperatives associations, irrigators associations, agrarian reform beneficiaries organization, small water impounding systems assocications at iba pang grupo ng magsasaka.


Galing ang pondo sa nakolektang taripa mula sa mga imported na bigas noong 2022 na umabot sa P12.7 bilyon.

Kabilang sa mga makatatanggap ng ayuda ang mga farm cooperatives associations (FCAs), irrigators associations (IAs), agrarian reform beneficiaries organizations (ARBOs), small water impounding systems associations (SWISAs), at iba pang farm groups.

Nabatid na ang RFFA ay isang unconditional financial assistance para sa mga maliliit na magsasaka na mayroong dalawang ektarya pababa.

Inaprubahan din ni Pangulong Marcos ang paggamit sa P700 milyong excess tariff collections para sa “Palayamanan Plus” conditional cash transfer na nasa ilalim naman ng Household Crop Diversification Program.

Layunin naman nito na matulungan ang mga RSBSA-registered farmers na nakalista rin sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Nasa 78,000 benepisyaryo ang makikinabang dito at makatatanggap ng tig P10,000.