NAKATANGGAP ng tulong pinansyal mula sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang ika-apat na batch ng mga kwalipikadong solo parents sa pamamagitan ng Saya All, Angat All program.
Umabot sa 220 Navoteño ang nakatanggap ng P2,000 cash subsidy kasunod ng verification ng kanilang bagong-apply o na-renew na solo parent identification card.
“Solo parents face many challenges in raising their children on their own. We want to ensure that they will have a means to provide for their families especially during trying times,” ani Mayor John Rey Tiangco.
Nagsimula ang Saya All, Angat All Tulong Pinansyal para sa mga Solo Parents bilang bahagi ng serye ng mga programa ng pamahalaang lungsod sa pandemic recovery.
“We encourage Navoteño solo parents to register with our social welfare office to qualify for the program,” pahayag ni Tiangco.
Ang pamahalaang lungsod, sa pamamagitan ng City Ordinance No. 2019-17, ay nagbibigay din sa mga indigent solo parents ng P1,000 educational assistance kada school year.
Habang nagsisilbing kinatawan ng lungsod sa 18th Congress, co-authored ni Tiangco ang House Bill 8097 na, kasama ang Senate Bill 1411, ay pinagsama-sama sa Republic Act 11861 o ang Expanded Solo Parents Welfare Act.
Ang RA 11861 ay nagbigay ng karagdagang benepisyo sa solo parents, kabilang ang P1,000 monthly subsidy, 10% discount at VAT exemption, 7-day parental leave with pay, priority sa scholarship programs at grants, automatic Philhealth coverage, at iba pa.
Sinabi pa ni Tiangco na tutustusan ng lungsod ang pagpapatupad ng nasabing batas sa susunod na taon sa pamamagitan ng Gender and Development Fund.
More Stories
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS
US MAGBIBIGAY NG $1-M PARA SA PEPITO VICTIMS
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI