Sumuko kay Pasay City Mayor Imelda “Emi” Calixto-Rubiano ang isa sa tatlong suspek sa pagpatay sa 51-anyos na lalaki sa Pasay City noong Hulyo 31, 2023.
Kinilala ang nag-surrender na suspek na si Rener C. Saddi, sinasabing gunman na bumaril sa biktimang si Marlon Avila noong madaling araw ng Hulyo 31 sa Kapisanan St., Barangay 162, Malibay, Pasay City.
Isinalaysay ng sumurender na suspek na nagawa niya ang pamamaril sa biktima dahil sa madalas aniyang pambu-bully sa kanya tuwing napapadaan sa kanilang lugar.
Sinabi ng suspek kay Mayor Emi na mas mapapabuti ang kanyang pagsurender sa halip na makipag-patintero sa kamatayan habang siya ay tinutugis ng mga otoridad.
Bukod sa pagsuko ni Saddi, naaresto rin ng Pasay City Police ang isa pang suspek na si Roger Rabie a.k.a “Toto” noong Miyerkules, Aug. 2.
Hinahanting pa ng pulisya ang isa pang suspek na si Elberth Samson.
Samantala, pinapurihan ni Mayor Emi ang mabilis na pag-aksyon ni Pasay City Chief of Police P/Col. Froilan Uy at mga tauhan nito upang mabigyang-linaw ang kaso.
More Stories
TRILLANES TUTURUAN NG LEKSYON NI DIGONG
CALINISAN BAGONG NAPOLCOM COMMISIONER
CATANDUANES, CAMARINES SUR SIGNAL NO. 5 KAY PEPITO