
Nagbabala si Manila Mayor Honey Lacuna Pangan sa mga residente ng Maynila na may mga alagang aso at pusa.
Partikular na pinaalalahanan ng Alkalde ang mga nagpalagala at nagpapadumi ng mga alagang aso at pusa sa kalsada lalo na sa harapan ng kanilang kapitbahay.
Nakatanggap ng maraming reklamo ang Manila LGU hinggil sa mga residente na walang pakundangan na magpadumi ng aso sa mga lansangan at kadalasan ay sa harapan ng mga kapitbahay.
Ayon sa Alkalde labag ito sa ordinansa ng lungsod partikular ang Manila City Ordinance 1600 o ang pagbabawal sa pagpapagala at pagpapadumi ng alagang aso sa lansangan.
Nilinaw ni Mayor Lacuna na responsibilidad ng dog owners na linisin o damputin ang duming iniwan ng kanilang mga alaga sa mga kalsada.
Kaugnay nito, hinikayat ni Lacuna ang mga apektadong residente na maghain upang laban sa mga iresponsableng pwt owners.
Paalala ni Lacuna sa mga naninirahan sa Maynila na panatiliing malinis ang kapaligiran at pangalagaan ang kalusugan.
More Stories
LIBU-LIBONG LAS PIÑEROS, NAGTIPON SA MITING DE AVANCE NG TEAM TROPANG VILLAR!
PASIG SCHOLARSHIP O VOTE-BUYING? Vico Sotto, inireklamo sa Comelec
PASIG CITY HALL PROJECT, SOBRANG MAHAL? Curlee Discaya: ‘Overpriced ang P9.6B, Dapat P2.7B lang’