November 28, 2024

5 arestado sa pot-session sa Valenzuela

SHOOT sa kulungan ang apat na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga matapos mahuli sa aktong sumisinghot ng shabu sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Valenzuela Police Sub Station 5 commander P/Cpt Reymund Andujar ang mga naarestong suspek na sina Ricardo Santos, 53, hair stylist, Vergilio Morelos Jr, 47, Manuel Capalad, 54, hair stylist, Mario Deato Jr, 48, hair dresser at Julinel Villaruel, 29, pawang residente ng lungsod.

Sa kanyang ulat kay Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, sinabi ni Cpt Andujar na habang nagsasagawa sila ng police visibility patrol nang isang concerned citizen ang lumapit sa kanila at ipinaalam ang hinggil sa isang grupo ng kalalakihan na nagsasagawa umano ng pot-session sa Isla Road, Brgy. Isla.

Kaagad silang rumesponde sa nasabing lugar kung saan naaktuhan ng mga pulis ang mga suspek na sumisinghot umano ng shabu sa loob ng isang bahay sa nasabing lugar dakong alas-3:30 ng madaling araw.

Hindi na nakapalag ang mga suspek nang arestuhin nina PCpl Nelson Bendanillio, PCpl Harold Robbin Malabed at Pat Mark Benson Tan kung saan nakuha sa kanila ang apat pirasong transparent plastic sachets na naglalaman nasa 1 gram ng hinihinalang shabu na nasa P6,800 ang halaga at mga drug paraphernalias.

Ani police investigator PCpl Christopher Quiao, mahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (JUVY LUCERO)