November 16, 2024

DE LA SALLE LIPA VOLLEYBELLES WINALIS ANG WEEKEND GAMES NG PNVF

KINUMPLETO ng DeLa Salle- Lipa ang pagwalis ng Pool A weekend matches kahapon sa pagposte ng  25-23,25-11 wagi  kontra Junction Youth Organization ng Los Banos( Laguna) sa pagpapatuloy ng  Philippine National Volleyball Federation ( PNBF) Under-18 Championships na humataw sa Rizal Memorial Coliseum.

Ang 16- anyos na si  Raizah Nicole Mamailao ang natoka sa depensa sa net para sa DLS-L upang makatulong na mauwi sa 3-0  kartada sa ikatlong weekend ng torneong inorganisa ng PNVF na  pinamumunuan ni  Ramon ‘Tats Suzara at suportado ng Philippine Olympic Committee,Philippine Sports Commission,PLDT,Rebisco at Akari.

” I reminded the girls not to be selective and follow the game plan, ” wika ng 19- taon nang coach ng De La Salle- Lipa na si Imee Mendoza.

” We just have to work harder.Our job is not done as we are heading now to the quarterfinals,” sambit naman ng seventh grader na si hitter Maezen  de Silva.    Wala na sa kontensiyon ang Junction Youth Organization bunga ng pagkatalo sa Batanguenas.