May 10, 2024

OTS PINARANGALAN SSO, IBA PANG AIRPORT PERSONNEL

Binigyan ng commendation award ng Office for Transportation Security (OTS) ang mga tauhan ng Security Screening Officers (SSOs) ng OTS , Airport Police ng Manila International Airport Authority (MIAA) at Philippine National Police Aviation Security Group (PNP AVSEGROUP) dahil  sa kanilang katapatan at huwarang pag-uugali sa pagpigil ng mga ilegal na gawain sa paliparan kasabay ng flagraising ceremony nitong Lunes.

Kabilang sa ginawaran ng komendasyon ay sina: SSO Aldean Bassig ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 na nagsauli ng P200,000 at iba pang mahahalagang gamit na naiwan sa security screening checkpoint noong Pebrero 22, 2023; SSO Elvira Leones ng NAIA Terminal 2 matapos ibalik ang P59,500 na naiwan sa screening checkpoint noong Pebrero 26, 2023; SSO Antonette Ibad ng NAIA Terminal 4 sa pagbabalik ng P1,500 na naiwan din sa security checkpoint noong Marso 1, 2023; MIAA Airport Police Inspector Rochelle Cabrera, kasama sina Ronalyn Miras, William Mark Ferrer at Raynald Joshua Cureg para sa napakahalagang tulong na nagresulta para makilala at agad maaresto ang security screening officer na sangkot sa nakawan sa NAIA Terminal 1 noong Marso 1, 2023 at PNP AVSEGROUP PCol Rhoderick Campo, kasama sina PltCol Alfredo Lim, PMaj Marcin Oloan, , PMaj Mark Victor Agdon, PCpt Joy Viernes, PCMS Alen Binuhe, PCMS Rommel Baldos, PCMS Joel Minimo, PCpl Desiree Beltran, PAT Al Justine Foronda at , PMaj Mark Victor Agdon, PCpt Joy Viernes, PCMS Alen Binuhe, PCMS Rommel Baldos, PCMS Joel Minimo, PCpl Desiree Beltran, PAT Al Justine Foronda sa ginawang pagtulong para makilala at agad mahuli ang isang security screening officer na sangkot sa nakawan sa NAIA Terminal 1 noong Marso 1, 2023.

Bukod sa kanila, binigyan din ng pagkilala sina SSO Joben Gamis ng Davao International Airport sa pagsasauli ng 212,000 yen at iba pang mahahalagang gamit noong Marso 2, 2023; SSO Mhay Raga, kasama si SSO Jeanalyn Alejandro ng Caticlan Airport na nagbalik ng isang gintong bracelet na naiwan sa screening checkpoint noong Pebrero 18, 2023; SSO Isidro Manlavi, Jr., kasama sina SSO Dioasdado Iso at Mark Anthony Manlavi ng Busuanga Airport sa pagbabalik ng $300 at P1,500 cash noong Marso 2, 2023 at SSOs Iso, nagsauli rin sina SSOs Iso at Manlavi, kasama sina SSO Danica Mae Tenajeros at Jessa May Dungao na nagsauli ng P2,180 na naiwan din ng isang pang pasahero sa Busuanga Airport noong Marso 2, 2023.