TODAS ang isang joyride rider habang sugatan naman ang kayang live-in partner matapos mabangga ng trailer truck makaraang aksidenteng dumulas sa basang kalsada ang kanilang motorsiklo sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.
Namatay habang ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan ang biktimang si Mark Anthony Miranda, 28, Joyride Rider at residente ng Blk 4 Lot 17 Site 8 Phase 2 Area 2, Brgy. NBBS Dagat-dagatan habang inoobserbahan naman sa nasabing pagamutan ang kanyang live-in na si Jennifer Lobetaña, 26
Nakapiit naman ngayon habang nahaharap sa kaukulang kaso ang driver ng trailer truck na kinilala bilang si Rodrigo Caliva, 53 ng Estrella St., Brgy. Tañong, Malabon City.
Sa report ni PCpl Florencio Nalus kay Navotas police chief P/Col. Allan Umipig, dakong alas-3:15 ng hapon nang maganap ang insidente sa kahabaan ng H. Lopez, Brgy. San Rafael Village, Navotas City.
Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya na tinatahak ng mga biktima sakay ng kanilang motorsiklo ang kahabaan ng nasabing lugar patungong Manila area nang aksidente umano silang dumulas at bumagsak sa basang kalsada.
Dahil dito, nabangga ang mga biktima ng truck na minamaneho ni Caliva na tinatahak naman ang kabilang direksyon na patungong C4 road na naging dahilan upang isugod sa nasabing pagamutan ang mag live-in partner habang naaresto naman ng mga pulis ang truck driver. (JUVY LUCERO)
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY