November 1, 2024

Barangay Chairman tinadtad ng bala sa Batangas

BINAWIAN ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Mary Mediatrix Hospital ang biktimang barangay chairman matapos na pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang suspek na sakay ng isang kulay asul na Toyota Vios Sedan na hindi naplakahan bandang 5:11 ng umaga ngayong Linggo sa Barangay San Carlos ng Lipa City sa Batangas.

Kinilala ang ang nasawing biktima na si incumbent Barangay Chairman Vivencio Palo, nasa hustong gulang at residente sa nasabing barangay.

Base sa kuha ng CCTV kasalukuyang nagbababa ng mga pinamiling paninda si kapitan Palo sa kanyang tindahan na isinakay sa likod ng barangay patrol ng daanan ng mga hindi kilalang suspek at pinaputokan ng sunod sunod sa katawan ang biktima na nahulog sa likoran bahagi ng sasakyan, mabilis naman tumakas ang mga suspek patungo sa di pa tukoy na direksyon.

Naisugod pa sa nasabing pagamotan ang biktima ng mga nakakitang residente sa krimen subalit namatay din ayon sa mga rumespondeng doktor.

Narekober sa lugar ng crime scene ang dalawang piraso ng deformed bullets at tatlong piraso ng fired cartridges ng di pa tukoy na kalibre ng mga baril.

Inaalam na ngayon ng mga otoridad ng Lipa City Police Station ang mga posibleng pagkatao ng mga salarin at  kung may kinalaman sa pulitika ang nangyaring pamamaslang sa biktima.

Matatandaan na pinagbabaril din ng riding in tandem nuon nakaraang lingo February 18 ng taon ito sa Brgy. Trapiche sa Tanauan City, ang isang kandidato bilang barangay chairman na si Larry Laura na nakaligtas at tinitingnan na Person of Interest sa krimen ang katunggali sa pulitika ayon sa Batangas PNP. (KOI HIPOLITO)