MAUGONG ang hatid na mensahe ng Pampanga Royce matapos nilang dispatsahin ang Boracay Islanders,79-70 sa pagpapatuloy ng elimination round ng Pilipinas League Pro Division Dumper Cup Second Conference Winzir nitong weekend sa TUA Gymnasium,Trinity University of Asia sa E.Rodriguez Ave.,Quezon City.
Nagpakitang-gilas si Pampango cager Kenneth Villapando sa kanyang impresibong 16 pts,9rebs,2 assts at w stls upang pangunahan ang Royce sa buwenamanong panalo sa unang sabak pa lang sa PSL na inorganisa ni Pres.Rocky Chan katuwang si VP Ray Alao at Commissioner Marc Pingris.
Angat ang mga Kapampangan sa halftime ,45-30 para sa 1-0 kartada habang ang Gerard Anderson at Jayjay Helterbrand-led Islanders ay sumadsad sa 1-3 baraha.
Nauna dito,sinila naman ng defending champion Davao Occidental Cocolife Tigers ang San Pedro Laguna ARS Warriors,108-64 para sa ikaapat na sunod na panalo at walang talo ang tropang Mindanaoans . Kumamada si Super Player of the Game Kyt Jimenez ng 14 pts,5rebs,7assts at 1 stl upang manatiling walang talo,4-0 sa ligang suportado rin ngUnisol,SCD,Converge FiberX,Finn Cotton,Wcube Solutins,Don Benito’s at MDC.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
Lalaki dinampot sa higit P300K shabu sa Caloocan
Kelot na wanted sa sexual offenses sa Valenzuela, timbog!