NAGMISTULANG halimaw si Andrew Nicholson upang akayin ang kanyang koponang Bay Area sa isang 130-76 masaker kontra Terrafirma kagabi sa PBA Commissioner’s Cup sa Philsports Arena, Pasig City.
Nagpasabog ng 31 puntos sa first half pa lang ang dating NBA cager para sa ika- anim na panalo ng Dragons at ipatikim sa Dyip ang ika-22 sunod na pagkatalo mula pa noong nakaraang season.
Walang nagawa ang Terrafirma sa nagbabagang shooting ni Nicholson kung saan ay nakuha pa niyang ma-outscore ang buong tropang Dyip sa isang yugto lang na produksyon.
Agad ikinamada ni Nicholson ang kanyang sariling 19-9 run tampok ang tatlong tres nito upang umalagwa nang husto ang Dragons.
Nakuha nang maamoy ng Bay Area ang panalo matapos maitala ang tambak na 102-62 may isang buong quarter pa ang nalalabi sa laban.
Bagama’t inupo na si Nicholson sa final quarter,patuloy pa rin ang buga ng apoy ng Dragons upang itala ang ikalawang koponang may pinakamalaking winning margin sa kasaysayan ng PBA.
Tumikada ng 17 puntos si Zhang Qilong,15 kay Song Jianhua at 12 kay Zhu Songlei para sa bisitang Dragons. Bumira naman si Juami Tiongson ng 21 puntos habang 19 lang ang naiambag ni Terrafirma import Lester Proupe upang dumausdos ang koponan sa 0-6 kartada.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Bagong gym, binuksan sa Navotas
PAGPAPALIBAN SA BARMM ELECTIONS, PINAG-AARALAN NA – PBBM