MAGKAKAMPIHAN na ang dating mahigpit na magkakaribal sa lokal Mixed Martial Arts na eksena ng Universal Reality Combat Championship para sa bakbakang dangal ang nakataya kontra China sa maagang bahagi ng susunod na buwan ng Nobyembre.
Sina URCC Global title holder Sugar Ray ‘The Mammoth’ Estroso at ang ginapi niyang challenger kamakailan lang na si Boss Bullet ay magkakampi na kasama ang isa pang bigating MMA boxer na si Caloy Baduria ang kakatawan sa 3×3 best bets laban sa mapanganib na at nais makabawing Team China na idaraos sa Okada, Manila.
Si Estroso ay beterano nang MMA’ers sa tatluhan mula pa noong ipakilala ang event ng URCC sa bansa tampok ang pagdispatsa ng Pinoy trio kung saan ay tampok ang kanilang (Estroso-Paule-Palomar) panalo kontra Chinese trio noong Abril 2019.
Si Bullet naman ay kilala sa rapidong atake nito sa kalaban habang matindi naman sa pamatay na suntok (knockout punch) ni Baduria ang kinatatakutan ng mga kalaban.
“Best combination so far. Strong chance versus Chinese best three. Bakbakan na!” sambit ni URCC chief/organizer Alvin Aguilar.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY