Nahirang na Rookie of the Year si Mikey Williams ng TNT Tropang Giga. Gayunman, hindi nito naulit ang historical peat ng liga. Kung saan, parehong nahablot ang MVP at Rookie of the Year. Huli itong nangyari noong 1989 nang hirangin si Benjie Paras ng Shell sa gayung 2 awards.
Bukod sa naturang award, napasama rin siya sa Mythical First. Kasama niya rito sina Scottie Thompson ng Ginebra, Calvin Abueva ng Magnolia, June Mar Fajardo ng San Miguel at Arwind Santos ng NorthPort.
Napabilang naman sa Mythical Second Team sina CJ Perez at Christian Standhardinger (SMB), Robert Bolick (NorthPort), Matthew Wright (Phoenix) at Ian Sangalang ng Magnolia.
Napunta naman kay Juami Tiongson ng Terrafirma ang Most Improved Player Award. Habang si Kevin Alas ng NLEX ang nahirang na Samboy Lim Sportsmanship Award.
Binubuo naman ng All-Defensive Team nina Arwind Santos, Kelly Williams, Cliff Hodge, Chris Ross at Jio Jalalon.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo