May 18, 2024

SCOTTIE THOMPSON, NAHIRANG BILANG PBA SEASON 46 MVP

Nahirang si Scottie Thompson (28) bilang Most Valuable Player ng PBA 46 season. Naungusan ng Brgy. Ginebra star guard ang mga karibal nito sa titulo.

Nominado rin sa nasabing award sina Calvin Abueva ng Magnolia, Mikey Williams ng TNT at Robert Bolick ng NortPort. Nadagdag kay Thompson ang nasabing parangal bukod sa nakuhang dalawang individual awards.

Naging Best Player of the Conference din siya at Finals MVP ng Governor’s Cup. Siya rin ang unang Ginebra player na naging MVP makalipas ang 10 taon. Si Mark Caguioa ang naging MVP noong taong iyon.

 “Sobrang speechless. Hindi ako makapaniwala na early stage ng career ko,”wika ni Thompson na nasa 7th season na ng kanyang career.

Nakalikom ang dating Perpetual Help standout  ng 2,836 points mula sa players, media at PBA voting. Pumangalawa naman si Williams na may 1,332 votes. Ang stats leader na si Bolick ay may 1,295 habang si Abueva ay may 1,066.