Nakipag-amok si boxing legend Mike Tyson sa isang pasahero sa eroplano sa San Francisco International Airport. Sa video na pinost nt TMZ, makikitang sinusuntok ng boxer ang pasahero. Nakaupo ito sa likuran niya at kinukuha ang kanyang atensyon. Ang isa pang lalaki na makikita sa video ay duguan sa cuts sa ulo nito.
Sa pahayag ng spokesman ni Tyson sa ESPN, hinaharass aniya ng pasahero ang boxer. Binato rin nito ng water bottle ang boxing legend habang nakaupo.
Na naging dahilan upang magalit ang binansagang ‘ The Iron Mike’. Ayon naman sa San Francisco police, isang amok lamang ang naganap.
Pinakawalan naman nila ang dalawang kelot kaugnay sa insidente. Maliit na detalye lamang ang sinabi ng mga ito sa otoridad. Tumanggi rin silang makipag-cooperate sa mga pulis. Matapos ang insidente, nagtungo si Tyson sa Miami. Kung saan, nakuhanan siya ng larawan sa isang nightclub kasama ang WWE legend na si Rick Flair.
More Stories
Santor, Maleeka, Melencio humakot ng ginto sa COPA swimfest sa RMSC
Kauna-unahang invitation golf tournament ng Pampanga Press Club, umarangkada na!
JRC, DMC at JC2… BASKETBALL SUMMER CUP 2024 SA NEW MANILA, QC