May 19, 2024

GOLDEN STATE WARRIORS, PINAPAK ANG NUGGETS: JAZZ, SINIPA NG MAVERICKS

Muling pinapak ng Golden State Warriors ang Denver Nuggets sa Game 3 ng NBA playoffs, 118-113. Kaya naman, lamang sa 3-0 sa series ang Warriors. Nagtuwang ang tatlong players ng GSW sa pagkana ng 80 points combination.


Muling bumida si Jordan Poole sa panalo sa pagbuslo ng 27 points. Nag-ambag naman si Steph Curry ng 27 points. Si Klay Thompson naman ay bumira ng 26 points.


Nanguna naman sa opensa ng Nuggets si Nikola Jokic. Nagtala ito ng 37 points at 18 boards.
Samantala, nakaungos na ang Dallas Mavericks sa 2-1 lead sa series. Sinipa ng Mavs ang Utah Jazz, 126-118 sa Game 3 ng West Round 1. Muling bumida sa big win si Jalen Brunson na nagtala ng 31 points.


Umalalay naman si Spencer Dinwiddie ng 20 points at 6 assists. Si Maxi Kleber naman ay bumanat ng 17 points at 3 rebounds. Nasayang naman ang nagawang 32 points ni Donovan Mitchell sa laro.