April 24, 2024

BRGY GINEBRA, CHAMP SA 2022 PBA GOVERNOR’S CUP

All-out ang selebrasyon ng Brgy. Ginebra GIn Kings matapos sungkitin ang 2022 46th PBA Governor’s Cup title kontra Meralco Bolts (PBA Photo)

Sinungkit ng Brgy. Ginebra Gin Kings ang 2022 PBA Governor’s Cup kontra Meralco Bolts. Dinispatsa ng “never say die team’ ang Bolts, 103-94 sa Game 6 sa MOA Arena.

Naisalpak din ng team ang 4-0 record sa kanilang head-to-head match-up sa Governor’s Cup Finals. Sa pagsukbit sa kampeonato, itinatala nito ang 14th championship ng franchise. Katabla ang Alaska at Magnolia at 4 rito ang sa Governor’s Cup.

Ang exciting Game 6 ay dinaluhan ng 20,224 expectators. Dikitan ang laban sa simula ng quarter. Kumalas ang Gin Kings sa 47-47 all deadlock. Kung saan, naibuslo ni Brownlee ang 17 points sa 3rd quarter, 78-73 lead. Lumamang pa ang Ginebra ng 16 points sa 4th. Kaya, nahirapan nang humabol ang Meralco.

Hinirang naman bilang PBA Press Corps Finals MVP si Best Player of the Conference Scottie Thompson na kumamada ng 15 points.