Haharapin ni Tokyo Olympics bronze medalist Eumir Felix Marcial ang isang rising star boxer na si Isaiah Hart ng Atlantic City.
Ang laban ng dalawa ay wala pang pormal na petsa at venue. Ang silver medalist sa 2019 World Championships sa middleweight na si Marcial ay magbabalik sa ring para sa ikalawa nitong laban.
“We want Eumir to continue on his gains in the Olympics and resume his professional career with another good fight. His foe has a 6 wins and 2 losses record. It will be a good match for Eumir,” ani MP Promotions president Sean Gibbons sa online forum ng Philippine Sportswriters Association (PSA).
Kasalukuyang nagsasanay si Marcial sa Las Vegas, Nevada para sa inaasam nitong second bout. Bukod dito, naghahanda rin siya sa nalalapit na 31st SEA Games na gaganapin naman sa Hanoi, Vietnam.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!