April 28, 2024

CIGNAL HD SPIKERS, NANGGUGULAT SA OPEN CONFERENCE NG PVL

Nanggugulat sa ngayon ang Cignal HD Spikers sa 2022 Premier Volleyball League. Katunayan, silang ang number 1 sa standings ng Pool A na 2-0. Nangunguna naman ang Creamline Cool Smashers sa Pool B na may 3-0 record. Kasalo nito sa number 1 standing ang Petro Gazz Angels. Kung tutuusin, hindi naman gaanong nagpalakas ang Cignal.

Walang gaanong nadagdag sa kanilang arsenal. Bumabandera pa rin si Rachel Anne Daquis para sa team. Gayunman, maganda ang line-up ng Cignal dahil ang itininuturing na dark horse lang ay nanalasa na. Hindi dapat isantabi ang de-kalibreng volleybelles ng mga ito na sina Angeline Araneta, Grazielle Bombita, Maria Cayuna at Klariza Abriam.

Di rin pahuhuli ang libero nito na sio Jec Jec Dionela, Rhea Meneses, Jerilli Malabanan at Frances Molina. Malamang ang motivation ng HD Spikers ay ang pagkauhaw sa title. Nitong mga nagdaang conference kasi ay nangangapa sila. Pero ngayon, talagang nanggugulat.

Tinalo nila ang Choco Mucho Flying Titans. Kaya, bitbit nila ang twice-to-beat advantage sa playoffs. Ang tanong, magtuloy-tuloy kaya ito? Kung makalulusot, malaki ang tsansang makapalaot sila sa semis at finals. Ito na kaya ang limelight para sa Cignal? Abangan natin ang susunod na kabanata.