September 20, 2024

3 arestado sa drug buy bust sa Malabon

Shoot sa kulungan ang tatlong hinihinalang drug personalities kabilang ang dalawang ginang matapos madakma sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Malabon city, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang mga suspek na sina Belen Delemos alyas “Ateng”,  50, ng F. Sevilla Blvd Brgy Tañong, Edward Nicolas, 43 ng Heroes St. DM Compound Caloocan City, at Evelyn Moises, 59 ng Sapa Brgy. Panghulo.

Ayon kay PSSg Jerry Basungit, may hawak ng kaso, dakong ala-1 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng buy-bust operation kontra sa kay alyas Ating sa Gov. Pascual corner Macopa Road Brgy. Potrero.

Kaagad inaresto ng mga operatiba ang mga suspek matapos bentahan ng P500 halaga ng droga ang isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer.

Nakumpiska sa mga suspek ang humigit-kumulang sa 2.80 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P19,040.00, at buy bust money.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.