Hindi na mahintay ni Cleveland Cavaliers forward Larry Nance na muling bumuslo ang NBA season.Kaugnay sa 2020-21 season, sabik na aniyang siyang maglaro sa court.
“I’ve never more excited to do conditioning and defensive drills in my life,” ani Nance.
oOo
Samantala, sinabi naman ni San Antonio Spurs player Rudy Gay na nais niyang maglaro sa team. Aniya, gusto niyang maglaro sa team hangga’t gusto niya.
“I love being a Spur. Love playing for the Spurs,” aniya.
oOo
Sinabi ni ESPN analyst Kendrick Perkins na dapat pumili ng suit si team si Giannis Antetokuonmpo kung gusto nitong magchampion.
Aniya, kung mapapaso na ang contract nito sa Milwaukee Bucks, dapat aniyang lumipat ito sa Golden State Warriors.
“His best destination is not Toronto, not Miami, it’s really the Warriors,” saad ng dating Boston Celtics forward.
oOo
Sinabi ni three-time NBA champ Danny Green na dapat mabigyan rin ng championship rings ang mga kakampi niya sa Los Angeles Lakers.
Aniya, kahit hindi nakapaglaro sa bubble ang mga kakampi niyang sina Troy Daniels, DeMarcus Cousins at Avery Bradley, dapat aniyang mabigyan din ito ng ring ang bawat isa.
“I think they all deserve an opportunity to get a ring because they were a part of a team,” ani Green.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo