Kanselado ang online classes sa Valenzuela City kapag bumabagyo batay sa Panuntunan sa Suspensyon ng Klase sa Panahon ng Distance Learning ng Pamahalaang Lungsod.
Kapag Signal No. 1 ay suspendido ang klase sa preschool at kindergarten sa mga pampubliko at pribadong paaralan. Magpapatuloy pa rin ang broadcast ng Valenzuela Live at ang mga talakayan sa klase at ang mga nagdaang aralin ay ia-upload at maaaring mapanood sa itinalagang YouTube channel.
Walang klase sa preschool, kindergarten, elementary at high school sa mga pampubliko at pribadong paaralan kapag Signal No. 2 at maging ang broadcast ng Valenzuela Live at ang mga talakayan sa klase ay suspendido.
Samantala, pati trabaho ng Department of Education ay kanselado na kapag Signal No. 3, maging ang broadcast ng Valenzuela Live at talakayan sa klase.
Maaaring panuorin ang mga nakalipas na aralin sa itinakdang YouTube channel upang makapagbalik-aral ang mga estudyante at hinihikayat ang sariling pag-aaral gamit ang mga learning modules. Kapag masungit ang panahon ngunit walang babala ng bagyo galing sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), pwedeng kanselahin ng lokal na pamahalaan ang mga klase at trabaho.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna