October 1, 2024

2025 BUDGET TARGET MAIPASA NG KAMARA SA SEPT. 25

Target ng Kamara na maaprubahan ang proposed 6.352-trillion peso 2025 national budget sa ikatlo at pinal na pagbasa sa Sept. 25.

Ayon kay House Appropriations Committee Senior Vice Chairperson at Marikina Rep. Stella Quimbo, nakatakdang isalang sa plenary debates ang 2025 General Appropriations Bill (GAB) simula sa Lunes, Sept. 16.

Aniya, tatagal ang debate sa plenaryo hanggang sa Sept. 25.

Karaniwan nang sinisertipikahan bilang urgent ng Pangulo ang budget bill upang bilisan ng Kongreso ang proseso sa pamamagitan ng pag-apruba sa ikalawa at ikatlong pagbasa sa kaparehong araw.