Manila Legacy Crown Lions Club – District 301-D2
PITAK FILIPINO
Ni Socrates L. Pimentel
HINDI lang salita. Gawa.
Matagumpay na naidaos ng Manila Legacy Crown Lions Club – District 302-D2 ang Sustainable Community Program para sa Komunidad ng Dumagat sa Sitio Dike, Barangay San Lorenzo, Norzagaray, Bulacan, noong 27 Hunyo 2026 Sabado.
Sa ilalim ng temang “Empowering Indigenous Communities Through Sustainable Development, Education, and Service”, nagsama-sama ang mga boluntaryo, kasosyo, donor, at tagapagtaguyod.
Kanilang dinala ang Edukasyon na nagbigay-dunong. Kalusugan na nagbigay-lakas. Kamalayang pangkalikasan na nagbigay-ingat. At kabuhayang pangmatagalan na nagbigay-pag-asa, Nagsimula ang programa sa San Lorenzo Barangay Hall sa ganap na ika-07:00 umaga sa pamamagitan ng convoy, briefing, at isang layuning “We Serve.”
Ayon kay Dr. Michael Kevin M. Eustaquio, Pangulo at CEO ng Legacy Crown Advertising Corporation (LCAC), “Dahil sa inyong malasakit, integridad, at pagtutulungan, isang hakbang na naman ang naitawad para sa mas matatag na komunidad at mas maliwanag na kinabukasan ng bawat pamilyang Dumagat at bawat batang nangangarap.
Maraming salamat. Ang paglilingkod ay hindi dito nagtatapos. Ito ay nagsisimula pa lang.”
