May 16, 2024

Volleyball player sa Kazakhstan, may sariling clothing line

Isa na marahil sa ‘Prettiest Faces’ sa mundo ng volleyball si Sabina Altynbekova. Parang manika kasi  ang mukha nito na mula sa bansang Kazakhstan.

Kilala ito sa galing maglaro ng volleyball. Bukod dito, ang 24-anyos at 6-feet-tall na tinaguriang ‘The Beauty of Kazakhstan’ ay may sarili na ring clothing line o fashion brand na ‘S20’ na nagsimula noong 2017.

Ilan sa mga bansang napaglaruan na ni Sabina ay ang Japan at Dubai. Kung saan, mas lalong lumawak ang fan base nito.

Sa pagdami rin ng mga offers na iniaalok sa kaniya, inihayag niya noon na gusto niyang mag-concentrate sa laro. Maging sikat sa paglalaro ng volleyball at hindi ito ipagpapalit sa pagmomodelo.

Una siyang napansin ng mundo sa Asian Junior Women’s Volleyball Championship sa edad na 17. Mula noon tinagurian na siyang ‘the most eagerly awaited volleyball player.”