May 4, 2024

Vanessa Sarno, bumuhat ng tatlong gold medals sa Uzbekistan

(Photo by Asian Weightlifting)

Kuminang si Pinay weightlifter Vanessa Sarno sa Asian Youth and Junior Weightlifting Championship sa Tashkent, Uzbekistan. Bumuhat si Sarno ng 3 gold medals sa women’s junior-71kg category.

Naiangat ng 18-anyos na weightlifter ang kabuuang 230kg upang dominahin ang kategorya. Nagtala rin siya ng 100kg sa snatch at 130 sa clean and jerk. Dahilan upang kamigin ang lahat ng golds sa kanyang class. Ang impresibong performance ni Sarno ay nagbigay sa bansa ng winning trend sa competition.

Sa ngayon, bumuhat ang bansa ng 15 gold, 2 silver at 3 bronze medals sa torneo. Nauna nang komopo ng 2 golds at 1 silver si Angeline Colonia. Samantalang ang Ramos sisters na sina Rose Jean at Rosegie ay humablot ng 7 golds. Habang si Rosalinda Faustino ay nanalo ng 3 golds.