May 5, 2024

UTAH JAZZ, KASAMA SA PINAGPIPILIANG HEAD COACH SI FORMER BLAZERS MENTOR TERRY STOTTS

Kinumpirma ng NBA team na Utah Jazz ang pag-resigned ng head coach na si Quinn Snyder. Gumugol si Snyder, 55, ng walong seasons sa Jazz bilang mentor. Nagpasalamat naman ang team sa nagawa at kontribusyon nito bilang coach.

Ngayong bakante na ang puwesto, may napipisil ang team na ilagay bilang head coach. Nasa radar nila si Jazz assistant coach Alex Jensen. Gayundin si Celtics assistant Will Hardy, Raptors assistant Adrian Griffin.

Isama pa si Knicks assistant Johnnie Bryant, Bucks assistant Charles Lee, Suns assistant Kevin Young at former TrailBlazers coach Terry Stotts. Kaugnay dito, wala pang pahayag si Stotts sa statement ng Jazz. Lalo na’t kasama siya sa listahan ng kandidato sa susunod na coaching job ng team.