April 27, 2024

GOLDEN STATE WARRIORS, TINAGA ANG BOSTON CELTICS SA GAME 2

Tinaga ng Golden State Warriors ang Boston Celtics, 107-88 sa Game 2 ng NBA Finals. Naitabla rin ng Dub City ang series sa 1-1 matapos ang blow-out win. Bumira ng 29 points si Steph Curry sa Warriors. Kasama na rito ang 6 boards at 4 assists.

Nagdagdag naman si Jordan Poole ng 17 points, 3 assists at 2 boards. Nag-ambag naman si Kevon Looney ng 12 points, 7 boards at 3 steals. Habang si Klay Thompson ay lumagare ng 11 points, 3 boards at 2 steals.

Sa panig naman ng Boston, nagtala si Jayson Tatum ng 28 points, 6 boards at 3 assists. Lumagare naman si Jaylen Brown ng 17 points, 6 boards at 3 assists.

Dikit lang ang score sa first half at kapwa di nagpa-iwan ang bawat teams, 52-50. Ngunit, pagsapit ng third quarter, rumatsada sa opensa ang Warriors. Iniwanan na nito ang Celtics sa 29 point lead. Lumubo pa ang lamang ng lagpas sa 30 points.

Malaking factor ang hassle at pick pocket defense ng Warriors sa laro. Nalimitahan din nito ang produksiyon ng ilang key players ng Celtics.

Kapwa nagtala lang ng 2 points sina Al Holford at Marcus Smart sa game. Noong Game 1, nagtala ng 26 points si Holford at 18 naman ang kay Smart. Idaraos naman ang Game 3 sa Miyerkules, June 8 ( Huwebes, June 9 PH standard time).