May 8, 2024

UST TIGERS AT COCOLIFE PARTNER SA SUSUNOD NA UAAP SEASON

MAGKAKATUWANG na ang University of Santo Tomas at Cocolife  para sa iisang misyon sa susunod na edisyon ng Universities Athletic Association of the Philippines( UAAP)

Ayon kay basketball enthusiast Cocolife SVP Joseph Ronquillo,magkakatuwang ang UST Growling Tigers at Cocolife sa isang misyong buhayin ang winning tradition sa palakasan at iba pang aspeto ng pamumuhay sa sektor ng lipunan.

” Sanib- puwersa upang kuminang  muli ang tradisyong wagi sa susunod na edisyon ng prestihiyosong ligang pang- collegiate sa Pilipinas na mina ng mga potensyal at mahuhusay na basketbolista na makakapag- ambag ng karangalan sa bansa sa hinaharap,” wika ni Ronquillo.

” Laging susuporta ang Cocolife sa pangunguna ni Pres.Atty Jose Martin Loon,ang inyong lingkod katuwang din sina VP Rowena Asnan ,EVP Franz Joie Araque basta sa development ng basketball sa  bansa partikular sa grassroot level.”

Bukod sa UST jrs/ srs ay sinuportahan din ng Cocolife ang Jose Rizal University sa National Collegiate Athlletic Association ( NCAA)at Enderun College sa National Capital Region Athletic Association (NCRAA).