May 6, 2024

US TRIP NI MANNY PACQUIAO, TULOY ULI MULA SA PAGKAKATENGGA SA JAPAN

Naudlot ang paglipad ni Sen. Manny Pacquiao patungo sa Los Angeles dahil sa medical emergency. Umalis kahapon ang Fighting Senator sakay ng eroplano patungong US.

Naka-set na magtraining si Pacman kasama si Freddie Roach. Gayundin ang strength conditioning nito na si Justine Fortune. Ito’y kaugnay sa paghahanda ni Pacquiao sa pagharap niya kay Errol Spence sa August 21.

Ngunit, rumekta ang eroplano sa Japan dahil sa medical emergency.Kaya, nagawa nitong mag-emergency landing. Kung kaya, nanatili sa Haneda airport si Pacquiao at ang kanyang team.

Tatlong oras sila roon at pagkatapos ay nagboard uli ng airplane pabalik ng Maynila. Ayon pa sa ulat, na-set ang iskedyul ng People’s Champ patungong muli sa US sa Linggo o July 11.

Pero, nang maayos na ang lahat, muling tumulak pa-US si Pacquiao sampu ng kanyang mga kasama. habang sinunuslat ang balitang ito, nakaalis na ang eroplanong sinasakyan nila patungong Los Angeles.