May 13, 2024

PHOENIX SUNS, LIYAMADO SA BETTING ODDS KONTRA MILWAUKEE BUCKS

Paborito ang Phoenix Suns ng mga sportsbooks na mananalo sa 2021 NBA Finals kontra Milwaukee Bucks.

Nagtala ang Suns ng -175 sa Caesars Sportsbook ni William Hill. Habang ang Bucks ay nagtala ng +150 underdogs. Ang Phoenix ay nagrekta rin ng 5.5 favorite na mananalo sa Game 1.

Ayon sa mga oddsmakers, malaki ang mawawala sa Bucks kapag di naglaro si Giannis Antetokounmpo. Hindi pa rin malinaw ang kanyang status kung makapaglalaro siya sa finals.

Kung makapaglalaro naman, malaki ang tsansa ng Bucks. Ayon kay Jeff Sherman, tangapangasiwa ng NBA odds para sa Superbook, nakatanggap ang Suns ng miltiple bets.

The Bucks would’ve been a favorite if there was no injury at all to Giannis,” ani Sherman sa ESPN.