DINAKIP ng pulisya ang 43-anyos na truck helper matapos tutukan ng baril at pagbantaan ang kapwa truck helper na sumisingil lamang ng kanyang pautang suspek sa Valenzuela City.
Ayon kay pulisya, kasong Grave Threats at paglabag sa R.A 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunation Regulation Act) ang isinampa nila laban sa suspek na si alyas “Mark”, 43, ng NHA MRH Pangarap Condo, Brgy., 188, Tala, Caloocan City.
Lumabas sa inisyal na imbestigasyon na nakita ng biktimang si alyas “John”, 19, na dumaan sa kanyang tinirhan sa Francisco St., Brgy., Paso De Blas ang suspek kaya nilapitan niya ito at siningil ng utang na halagang P2,000.
Gayunman, hindi nagbayad at tinalikuran lang siya ng suspek kaya sinundan siya ng biktima at pilit na sinisingil na naging dahilan upang magalit si ‘Mark’ sabay naglabas umano ng improvised na baril at tinutukan si ‘John’.
Sa labis na takot, nagtatakbo ang biktima hanggang sa makahingi ng tulong sa nagpapatrulyang mga pulis.
Kaagad namang rumesponde ang mga pulis na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek at nakuha sa kanya ang isang improvised gun (pen gun) na may dalawang bala.
