Magandang araw sa inyo mga Ka-Sampaguita. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan. Nawa’y di magmaliw ang di nauubos na biyaya ng Diyos. Umani ng ilang reaction ang paglabas ng Banko Sentral ng Pilipinas sa bagong P1,000 bill.
Kung saan, pinalitan ang tatlong bayani ng isang markadong hayop sa ating bansa. Ito ay sina Jose Abad Santos, Vicente Lim ay Josefa Llanes Escoda. Ito ay ang pambansang ibon na ‘Philippine Eagle’. Kabilang sa nag-react si Presidential aspirant Isko Moreno.Gayundin si Senadora Nancy Binay.
Sa ganang ating mga Ka-Sampaguita, nararapat bang palitan ang mukha ng tao sa pera? At palitan ito ng mukha ng isang hayop? Depende ‘yan kung karapat-dapat ilagay. Lalo na yung nasa P500 bill na marami ang nagtataas ng kilay.
Sabi nga ng iba ngayon, ang pera wala nang tao. Tabla na sa ang tao, walang pera. Pero, marami rin ang natuwa sa ginawang ito ng BSP. Mabuti na raw ang gayun. Kaysa sa ilagay ang mukha ng pekeng mga bayani. Lalo na ang mga politikong walang nagawa sa bayan.
Gayunman, hindi naman talaga tuluyang inalis ang tatlong bayani sa nasabing bill. Na malaki ang ambag sa kasaysayan ng bansa noong World War II. Kundi, kasama lang sila sa bagong disenyo na may Philippine Eagle. Aprubado ng National Historical Institute (NHI) ang nasabing design.
Patuloy pa rin na lalabas sa circulation ang bagong P1,000 bill ang tatlong bayani. Na opisyal na ilalabas sa Abril 2022 ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno.
Kaya, huwag munang magreact, mga kababayan. Everything is under control. Adios Amorsekos.
More Stories
PAGPASA NG P3.5 BILYONG BUDGET NG MARIKINA, NAAYON BA?
MGA MAYOR SA RIZAL SUPORTADO SI CHAVIT SINGSON
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE