May 3, 2024

Solomon Hill ng Atlanta Hawks, sumagot sa akusasyong sinadya niyang indyurin si LeBron

Dahil sa natamong injury ni Los Angeles Lakers star LeBron James, nag-alala ang fans dito. Nagkaroon ng tama sa kanyang right ankle si ‘The King’ sa laro kontra Atlanta Hawks.

Nangyari ito nang binabantayan siya ni Solomon Hill. Natumba ito habang inaagaw ang bola kay James. Tumama ang siko nito sa bukong-bukong ni LeBron, dahilan upang umaringking sa sakit ang Laker star.

Kaya naman, binatikos ng NBA fans si Hill. Bakit daw niya iyon ginawa at ano ang intensiyon niya. Bakit over acting aniya ito sa pag-dive ng bola paraa maagaw kay LeBron?

Sadya raw ba o hindi? Intentional o hindi? Kaya naman, bugbog sarado si Hill sa mga puna ng fans sa kanya sa social media.

Dahil dito, sinagot nito ang akusasyon sa kanya sa Twitter. Aniya, ayaw niya ng gaanong laro.

 “Would never disrespect the game and take a player out purposely. He knows that.That’s all that matters to me. Praying for a speedy recovery,” ani Hill.

Ayon naman sa fans, si Hill lang ang nakaaalam ng kanyang true intentions sa gayung play. Para naman sa iba, mahigpit ang depensa niya. Pero, bakit kailangang umabot sa ganun?

Aniya, kahit si James ay alam ang ganun. Hindi maiiwasan na sa higpit ng depensa ay may matamaan ng hindi sinasadya.

It was not intentional, perhaps, only conscience knows. Remember that LeBron costs Gordon Hayward’s ankle injury in his Celtics era. But, it’s not a big deal to Hayward. He knows, it was not intentional. But for this, oh boy…,” ani ng isang Lakers fans

Umaasa naman si Hill na hindi malala ang lagay ni Lebron.