May 17, 2024

Ex-PBA player Mac Cardona, arestado dahil sa kasong physical injuries

Arestado uli si dating PBA player Mac Cardona dahil sa isinampang serious physical injuries. Ito ang ipinahayag ng Mandaluyong City Police sa isinampang kaso sa cager.

Naging daan sa pagkaka-aresto sa dating Air21 player ang inihaing warrant of arrest. Ito ay in-issue ni Judge Ma. Victoria Q. Padilla-Awid ng Metropolitan Trial Court Branch 116.

Inaresto ng operatiba si Cardona bandang alas 9:00 ng umaga nung Huwebes sa Maysilo Circle sa Barangay Plainview sa naturang lunsod. Hindi na ipinaalam sa p[ubliko ang ibang detalye ng kaso.

Kung matatandaan, nasangkot noon sa suntukan sa parking lot ng Bonifacio Global City si Cardona noong February 2020. Naaresto rin siya dahi umanol sa pananakit niya sa kanyang live-in partnet noong 2018.

Noong 2016, napurdoy si Cardona at dumaan sa depresyon noong 2016. Muling nakabangon nang makabalik sa MPBL noong 2019. Naglaro siya sa koponang San Juan Knights.