May 4, 2024

Sinabihan na bobo at walang utak… KATRYN BERNARDO, KINABOG NA NAMAN SI LIZA SOBERANO

NAKATANGGAP ng award ang actress na si Kathryn Bernardo, itinanghal siya ng Seoul, South Korea bilang Outstanding Asian Star in the 2023 Seoul International Drama Awards. At hindi matanggap ng mga fans ni Liza Soberano ang pagkakapanalo ni Kathryn, kaya nilait nila ito at sinabihang bobo ang actress. Ang rason ay binasa lang ni Kathryn ang kanyang speech sa stage na gamit ang kanyang cellphone.

 “Ang talagang bobo ay ang mga fans ni Liza Soberano, hindi ba nila alam na ganyan naman talaga ang kalakaran sa showbiz. Siyempre hindi kabisado ni Kathryn ang mga taong dapat pasalamatan at para sure na mababanggit lahat, tama lang ito na basahin niya.

 “Inggit lang sila dahil talaga namang mas mahusay si Kathryn Bernardo kaysa kay Liza Soberano na wala nang career dito sa ‘Pinas at hayun nakarma sa kayabangan at pati sa Hollywood ay nawalan na rin ng career. Ilusyunada kasi ang kanilang idolo, kaya kinabog tuloy siya ni Kathryn.

 “Sana bago sila mangalipusta, tignan muna nila kung sino ang may ‘K’ sa dalawa. Kabog na kabog ng idolo namin si Liza, kaya inggit sila at walang alam kung hindi manira sa aming idolo. Kahit tignan pa nila, mas malayo na ang narating ni Kathryn Bernardo kung aktingan lang ang pag-uusapan kaya manahimik sila, ano!” pagtatapos pa ng aking source.