Inamin ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na naganap ang isang mahalagang pagpupulong sa kanyang tahanan sa Bel-Air, Makati kasama ang mga imbestigador mula sa International Criminal Court o ICC.
Ayon kay Remulla, ang nasabing pagkikita ay matapos ipakilala ni pinangasiwaan nina dating Senator Antonio Trillanes IV at dating PNP Chief Gen. Nicholas Torre upang ipakilala ang dalawang tauhan mula sa ICC.
Ipinaliwanag ng kalihim na ang pangunahing paksa ng kanilang usapan ay ang pangangailangang protektahan ang mga testigo ng ICC, lalo na’t ang mga ito ay mga mamamayang Pilipino.
Binigyang-diin ni Remulla na bilang pinuno ng Department of Justice o DOJ, tungkulin niyang siguruhin ang kaligtasan ng mga tao hangga’t kaya niya dahil buhay ang nakasalalay dito.
Bagama’t may mga puna na hindi na dapat nakikipag-ugnayan ang bansa sa ICC, iginiit ng kalihim na matagal na ang isyung iyon at marami na ang nagbago sa kasalukuyang sitwasyon.
Tinatayang nangyari ang nasabing pagpupulong wala pang isang taon ang nakalilipas.
Hinggil naman sa mga lumalabas na affidavit, nilinaw ni Remulla na hindi lahat ng nakasaad doon ay totoo at tila pinagtagpi-tagping kwento lamang ang ilan sa mga ito.
Dahil dito, nag-utos siya na mag-produce ng labing-walong iba’t ibang affidavit upang matiyak kung ano ang tunay na personal na kaalaman ng bawat indibidwal.
Nanindigan ang kalihim na ang isang affidavit ay dapat naglalaman lamang ng buong katotohanan na batay sa sariling kaalaman ng nagsasalita.
