May 2, 2024

PSL PRES. CUP ’24, DAVAO OCC.TIGERS COCOLIFE READY TO ROAR!

HANDA nang sumabak muli sa giyera ng Pilipinas Super League( PSL) President’s Cup 2024 ang powerhouse Davao Occidental   Tiger COCOLIFE sa pag-arangkada ng elite men’s basketball division sa Nobyembre 9 sa Araneta Coliseum.

Misyon ng Tigers na koponang pag-aari ng Bautista clan sa Davao at suportado nina Cocolife president Atty.Jose Martin Loon,SVP Joseph Ronquillo,VP Rowena Asnan at EVP Atty.Elmore  Omelas,ang pagpapatuloy ng winning tradition ng champion caliber Davao Occidental COCOLIFE.

Naunang nagkampeon ang  Tigers sa ibang ligang  MPBL at ito ay nasundan ng kampeonato sa PSL National Finals noong nakaraang taon.

Si Bhong Baribar ang may timon sa popular na amateur commercial  team at kanyang ihahayag ang komposisyon ng Tigers bago matapos ang buwan ng Nobyembre.

“Roar pa more for victory”, saad ni Ronquillo.

Ang PSL ay sa pangangasiwa ni businessman/ sportsman Chris Bautista at commissioner Allan ‘ the triggerman ‘Caidic. Makulay na opening ceremony ang matutunghayan sa Nob.9 ,6pm  sa big dome kung saan ay panauhing  top guest performer sa Bamboo.Admission is free.