
NAGPATIWAKAL sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili ang isang 29-anyos na lalaki dahil sa problema umano sa kanyang live-in partner sa Navotas City, kahapon ng umaga.
Sa inisyal na imbestigasyon ni PCpl Florencio Nalus, dakong alas-6 ng umaga, papasok ang 17-anyos na binatilyong pamangkin ng biktima sa kanilang bahay sa Sitio Puting Bato, Brgy. NBBS Proper.
Nang buksan ang main door, laking gulat ng pamangkin nang makita ang kanyang tiyuhin na nakabigti sa kisame gamit ang isang lubid.
Kaagad humingi ng tulong ang saksi sa kanyang ama saka kinalas sa pagkakabigti ang biktima bago mabilis na isinugod sa Tondo Medical Center subalit, idineklara itong dead on arrival.
Nagawa namang ma-interview ni PCpl Nalus ang pamilya ng biktima at napag-alaman niya na problemado umano ang nasawi sa kanilang relasyon ng kanyang live-in partner.
More Stories
P102K SHABU NASAMSAM! KELOT KUMAGAT SA BUY-BUST SA VALENZUELA
Iba-ban si referee Collantes… DESISYON MALAMANG MABALIGTAD PABOR KAY SUAREZ NG PILIPINAS
Drug suspect, tiklo sa buy-bust sa Valenzuela